Matindi at malawak ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi ito limitado o eksklusibo. Ito’y para sa lahat ng lahi, anumang edad, kasarian, kulay, pinanggalingan o pinagdaraanan. Ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak, hindi bilang isang simpleng regalo. Si Jesus ang magliligtas sa tao mula sa kapahamakan ng kasalanan. Nais niya ang magkaroon ng personal na kaugnayan tayo sa Kaniya. Marami na ang nakatagpo ng pag-ibig at pagliligtas kay Jesus. Sa paglipas ng maraming panahon, marami ang naging tagasunod Niya. Ang ebanghelyo ayon kay Lucas ay salaysay ng buhay at ministeryo ni Jesus.