Itinuro pa ni Jesus sa kanila kung paano manalangin. Sabi niya, bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo. Pinaalalahanan Niya ang Kanyang mga tagasunod na walang sinuman sa kanila ang magbibigay ng masasamang bagay sa kanilang mga anak kapag humingi sila ng mabubuting bagay. Sinabi niya na kahit gaano kasama ang sangkatauhan, alam pa rin nating magbigay ng magagandang regalo sa ating mga anak. At higit sa lahat, ipagkakaloob ng Ama sa Langit ang Banal na Espiritu sa mga humihingi.