Isinalaysay ni Jesus ang talinghaga ng isang nagtanim sa kanyang ubasan. Pinaupahan ang taniman. May mga hindi magandang pangyayari nang anihan na ng ubas. Ipinadala ng may-ari ang ilang alipin at sila ay sinaktan, ipinahiya at pinauwing walang dalang anuman ani mula sa taniman. Ang huling ipinadala ng may -ari ay kaniyang pinakamamahal na anak mismo. Pinagplanuhan at isinagawa ang kamatayan niya ng mga nasa taniman ng ubas. Sinambit rin ni Jesus ang talatang nagsasabing ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng gusali ay magiging pinakamahalaga. Ipinagpatuloy Niya, “sinumang bumagsak sa batong iyon ay mababali. At kung ang batong iyon ay tumama sa sinuman, dudurugin nito ang taong iyon.