Si Lucas na siyang sumulat ng ebanghelyo ang nagsalaysay ng mga pangyayari, matapos niyang masuri ang mga isinulat at ipinangaral ng mga taong nakasaksi mismo ng mga pangyayari patungkol kay Jesus. Nagpakita ang anghel Gabriel kay Maria, isang birhen sa Nazaret. Siya ay malapit pa lang ikasal. Inihayag ang pagpapala ng Diyos kay Maria. Siya’y magbubuntis at manganganak ng isang lalaki, at papangalanan niya siyang Jesus. Siya ang Anak ng Kataas-taasang Dios. Sa pagkasilang ni Jesus, ang mga propesiya ay natutupad ayon sa pagsasaayos ng mga pangyayari na inihula noon pa man. Detalyado ang katuparan. Walang detalye na lingid sa pansin ng Diyos. Ganoon din ang masasabi sa ating buhay. Lahat ng detalye ng ating buhay ay alam ng Diyos. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/