Pumasok si Jesus sa Jerico at naglakad sa kabayanan. May isang mayaman at pinuno ng mga maniningil ng buwis na ang pangalan ay Zaqueo. Sinikap niyang makita si Jesus upang makilala si Jesus. Dahil sa dami ng tao at maliit si Zaqueo, patakbo siyang nauna sa dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro. Pagtapat ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya kay Zaqueo at sinabi, “Zaqueo, bumaba ka agad sapagkat kailangan kong tumuloy ngayon sa iyong bahay.” Nagmamadaling bumaba si Zaqueo, at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus sa kanyang bahay. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/