Si Jesus at ang mga alagad ay patuloy na naglalakad sa kanayunan. At isang malaking pulutong ang sumusunod sa kanila. Lumapit si Pedro at hiniling kay Jesus na paalisin ang mga tao. Nais niyang makahanap sila ng pagkain at lugar na matutuluyan. Ang maraming tao ay nais makinig kay Jesus at nagsakripisyo upang mapunta doon. Isinaalang-alang ito ni Jesus at sinabi sa mga alagad na pakainin ang mga tao. Sinabi ni Maria Magdalena na mayroon lamang silang ilang tinapay at dalawang isda. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingin sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at isda at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/