7 sa 10Kurso ng Bagong Mananampalataya · 10 kabanata

7. Buhay para sa Diyos

Kapag tayo ay ipinanganak na muli, kailangan natin ng patuloy na espirituwal na pagpapakain. Ang pagbabasa ng Bibliya, pagdarasal, at pagsamba sa kanya kasama ng iba ay mga paraan ng ating espirituwal na paglago.

Itanong ang sa iyo

Mga Sipi sa Biblia

Ibahagi
1 Peter 2:2
Mga Libreng Mapagkukunan

Gusto mo bang mas maunawaan ang Biblia?

Sumali sa aming pag-aaral ng Biblia

Transkripsiyon

Tagalog (Wikang Tagalog)
Paano ba tayo mamumuhay para sa Diyos? Upang mamuhay ng tunay na dalisay, Kailangan palagi tayong tumanggap ng pagkaing ispiritwal mula sa Diyos. Anu nga ba ang ispiritwal na pagkain? Una, habang nagbabasa tayo ng Bibliya, mas nakikilala natin ang Diyos, at ang karunungan niya ang ating nagiging ispiritwal na pagkain. Pangalawa, habang nakikipag usap tayo kay Hesus sa pagdarasal, ang kanyang presensya ang ating nagiging ispiritwal na tubig pinu puno ang ating mga puso para mamuhay ng tapat bilang kanyang mga anak at ikatlo, habang sina samba natin si Hesus, kasama ang mga nagmamahal sa kanya, sa ganitong pagkakataon nagkakaroon ng kanlungan at kapahingahan ang ating mga espirito. Kapag hindi tayo nag babasa ng Bibliya, nagdarasal, and nag sasamba sa kanya, manghihina tayo at hindi natin matatagpuan ang kaligayahan at kalayaan pero habang araw araw tayong nakaka kain ng ispiritwal na pagkain, kumi kilos siya sa ating mga ispiritu, luma-lago at binabago tayo habang ibinibigay ang ating mga nais sa pamamagitan ng kanyang ispiritu.
JesusFilm