Episodyo
9. Panalangin
1 min.FHD
9 sa 10Clip 9 sa 10Kurso ng Bagong Mananampalataya · 10 kabanata
9. Panalangin
Si Jesus ay nagpakita ng isang simpleng halimbawa nito sa tinatawag na “Panalangin ng Panginoon,” sa Mateo 6:9-13. Ang panalanging ito ay sagot sa isa sa kanyang mga kaibigan na nagtatanong kung paano manalangin.
Mga TanongMga Kaugnay na Tanong
Itanong ang sa iyoMga Sipi sa Biblia
IbahagiPhilippians 4:6
Transkripsiyon
Tagalog (Wikang Tagalog)
Paano tayo bubuo ng relasyon sa Diyos ng sansinukob?
Ang mga relasyon ay base sa kakayahan na makipag usap sa isa't isa.
At ang pagdarasal ang paraan upang taos pusong makipag usap sa Diyos.
Sinabi ni Hesus na tuwing tayo'y malayang kinakausap sya
at hanapin sya ng ating mga puso,
tutugon siya sa pamamagitan ng banal na ispiritu na inilagay niya sa atin,
upang mangusap sa ating mga puso.
At, pag tayo'y nagdarasal, nararamdaman natin kung ang ating mga puso'y pinasasaya sya,
o nalalaman kapag nalulungkot siya.
Dahil ang gusto niya ay maranasan natin ang totoo, taimtim na relasyon sa kanya,
Upang mamuhay tayo sa kabutihan at kalayaan mula sa kanya bawat araw.
Sa kawalang dasal, nalalayo tayo sa kanya.
Subalit tayo'y nalalapit kay Hesus sa pakikipag usap sa kanya,
lumalago tayo sa pag mamahal sa kanya.
At habang sya'y ating minamahal, mina mahal na rin natin ang mga mahal niya,
at tinatanggihan ang makakasira sa ating relasyon.