Maikling Pelikula
Kung Saan Ka Nabibilang
2 min.FHD
Palakasan·4 sa 11Clip 4 sa 11
Kung Saan Ka Nabibilang
Sa field, walang mas mahalaga kaysa sa bola. Gagawin ng mga manlalaro ang lahat para protektahan ito at makuha ang bola kung saan ito nararapat. Sa Laro ng Buhay, saan ka nabibilang?
Mga TanongMga Kaugnay na Tanong
Itanong ang sa iyoMga Sipi sa Biblia
IbahagiPsalms 86:15
Transkripsiyon
Tagalog (Wikang Tagalog)
Ang bola ng football ay karaniwang gawa sa balat, goma, at tahi.
Hindi ito espesyal.
Matatagpuan mo ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Subalit kapag ito ay nasa palaruan…
ito ang pinakamahalaga.
Bawat mata ng manlalaro
ay nakatuon rito.
Bawat tagapanood ay sumisigaw sa kasiyahan.
Nalilimutan nila ang lahat
ng dahil sa bolang ito.
Kapag nakuha ng isang manlalaro ang bola,
matindi ang kanyang pokus.
Sa sandaling iyon,
wala ng anuman o sinuman ang pinakamahalaga.
Di-mahalaga ang lakas na kanilang ibubuhos
o ang sakit na mararamdaman pagkatapos.
Proprotektahan nila ang bola gamit ang kanilang katawan.
Isang bagay lamang ang dapat gawin…
ang dalhin ang bola sa dapat niyang kalagyan.
Maari kang masurpresa…
Na ganyan rin ang tingin sa iyo ni Jesus.
Alam ni Jesus ang lahat tungkol sa iyo.
Tinatanggap ka Niya,
at nais kang ingatan at alagaan.
Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa isang
napakahalagang layunin…
upang ihatid ka sa dapat mong kalagyan…
Sa isang Tahanan.
Kasama Siya.
Iyan ang dapat mong kalagyan.
Kapag tapos na ang paligsahan,
umuuwi na ang mga tagapanood.
Subalit si Jesus ay naghihintay pa rin.
Para sa iyo.
Mahal ka Niya. Mahal ka ni Jesus.
Ngunit nasa iyo ang pagpapasya.
Hayaan mo Siyang dalhin ka niya sa kanyang Tahanan