Christmas·1 sa 4

Isinasaalang-alang ang Pasko

Ang panahon ng Pasko ay nangangahulugan ng mga tradisyon, pagdiriwang ng pamilya, at mga regalo. Ngunit ano ang tunay na regalo sa Pasko? Sinusuri ng maikling pelikulang ito ang tanong na ito.

Itanong ang sa iyo

Mga Sipi sa Biblia

Ibahagi
Galatians 2:20
Mga Libreng Mapagkukunan

Gusto mo bang mas maunawaan ang Biblia?

Sumali sa aming pag-aaral ng Biblia

Transkripsiyon

Tagalog (Wikang Tagalog)
Ipinagdiriwang ang Pasko sa iba ’ t ibang kultura sa buong mundo sa iba ’ t ibang paraan. Ngunit may isang tradisyon na karaniwan sa lahat ng ito — ang pagbibigay ng regalo. Bakit kaya? Ano ang kaugnayan ng mga regalo sa Pasko? Nagsimula ito sa mga regalong ibinigay ng Diyos sa ating lahat — ang sansinukob, mga galaksiya, mga bituin, mga hayop, ang mundong tinitirhan natin, at mismong kaloob ng buhay. Lahat ng ito ay mga regalong galing sa Diyos na umiibig sa atin, kilala tayo, at nais na makilala natin Siya. Ngunit may nangyaring mali. Tinalikuran natin ang Isa na nagbigay sa atin ng mga regalong ito. Tinrato natin ang mga ito nang pabaya at walang malasakit. Pinaniwala natin ang ating sarili na hindi ito mga regalo — na basta na lang itong nangyari at walang kahulugan. Kaya ’ t tayo ay nahiwalay sa ating Manlilikha at sa isa ’ t isa. Ano naman ang kinalaman nito sa Pasko? Dalawang libong taon na ang nakalipas, isang sanggol ang ipinanganak sa isang maliit na bayan na nasasakupan ng isang makapangyarihang imperyo. Ang Pasko ay pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan. Bakit Siya napakahalaga na ipinagdiriwang pa rin natin ang Kanyang kapanganakan ngayon? Ipinagdiriwang natin dahil kahit tinalikuran natin Siya, nagpasya ang Diyos na ibigay sa atin ang pinakamagandang regalo sa lahat — ang Kanyang sarili. Bumaba Siya sa lupa bilang tao upang mabuhay, mamatay, at muling mabuhay, upang ipakita sa atin na kilala Niya tayo, mahal Niya tayo, at binibigyan Niya tayong lahat ng pagkakataon na makilala Siya. Ang Kanyang pangalan ay Jesus. At ngayon, nais ni Jesus na bigyan tayong bawat isa ng bagong regalo — ang kaloob ng buhay at bagong simula, ang kaloob ng kapatawaran at isang personal na ugnayan sa ating Manlilikha, at ang pangako ng buhay na walang hanggan. Si Jesus ang regalong ating ipinagdiriwang tuwing Pasko.
JesusFilm