Pangyaring Pandaigdig ng Futbol (Soccer)·2 sa 15

Kung Saan Ka Nabibilang

Sa field, walang mas mahalaga kaysa sa bola. Gagawin ng mga manlalaro ang lahat para protektahan ito at makuha ang bola kung saan ito nararapat. Sa Laro ng Buhay, saan ka nabibilang?

Itanong ang sa iyo

Mga Sipi sa Biblia

Ibahagi
Psalms 86:15
Mga Libreng Mapagkukunan

Gusto mo bang mas maunawaan ang Biblia?

Sumali sa aming pag-aaral ng Biblia

Transkripsiyon

Tagalog (Wikang Tagalog)
Ang bola ng football ay karaniwang gawa sa balat, goma, at tahi. Hindi ito espesyal. Matatagpuan mo ito sa iba’t ibang panig ng mundo. Subalit kapag ito ay nasa palaruan… ito ang pinakamahalaga. Bawat mata ng manlalaro ay nakatuon rito. Bawat tagapanood ay sumisigaw sa kasiyahan. Nalilimutan nila ang lahat ng dahil sa bolang ito. Kapag nakuha ng isang manlalaro ang bola, matindi ang kanyang pokus. Sa sandaling iyon, wala ng anuman o sinuman ang pinakamahalaga. Di-mahalaga ang lakas na kanilang ibubuhos o ang sakit na mararamdaman pagkatapos. Proprotektahan nila ang bola gamit ang kanilang katawan. Isang bagay lamang ang dapat gawin… ang dalhin ang bola sa dapat niyang kalagyan. Maari kang masurpresa… Na ganyan rin ang tingin sa iyo ni Jesus. Alam ni Jesus ang lahat tungkol sa iyo. Tinatanggap ka Niya, at nais kang ingatan at alagaan. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa isang napakahalagang layunin… upang ihatid ka sa dapat mong kalagyan… Sa isang Tahanan. Kasama Siya. Iyan ang dapat mong kalagyan. Kapag tapos na ang paligsahan, umuuwi na ang mga tagapanood. Subalit si Jesus ay naghihintay pa rin. Para sa iyo. Mahal ka Niya. Mahal ka ni Jesus. Ngunit nasa iyo ang pagpapasya. Hayaan mo Siyang dalhin ka niya sa kanyang Tahanan
JesusFilm