Nagsimula nang maglakbay si Jesus sa daan patungo sa Jerusalem. Sa labas pa lamang ng Jerusalem, maraming tao ang naroon na may hawak na sanga ng Palma at mayroon ding isang asno. Sumakay si Jesus sa asno at tinahak ang Kanyang daan patungo sa Jerusalem. Habang nakasakay Siya sa asno, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya. Nagsisigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios. Sinabi nila, “Pinagpala ng Panginoon ang haring kanyang ipinadala. May ilang Pariseo na naroon ang humaharang sa daraanan. Sinabi nila kay Jesus na patahimikin ang Kanyang mga disipulo. Pero sinagot sila ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”