Habang nakasakay sa bangka, nagtuturo si Jesus sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Gumagamit siya ng talinghaga, gaya ng tungkol sa isang Pariseo at Maniningil ng buwis na pumunta sa templo upang manalangin. Magkaiba ang paraan ng pananalangin ng dalawa. Ipinagpasalamat ng Pariseo sa Diyos ang listahan ng kaniyang mga “kagalanggalang o “matuwid na gawi” na hindi siya magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na naroon din sa Templo upang manalangin. Buong tiwalang sinabi ng Pariseo sa Diyos ang pag-aayuno ng dalawang araw na beses sa bawat linggo at pagbibigay ng ikasampung bahagi ng kanyang kinikita. Ang maniningil ng buwis ay nakatayo sa malayo mula sa altar. Nakayuko ang ulo, hinampas niya ang kanyang dibdib. Ang tanging ipinagdarasal niya ay, "Diyos ko, maawa ka sa akin, isang makasalanan!"