JesusFilm Project

Yugto

StoryClubs: Anak ni Jairus

Nagsisiksikan ang mga tao upang makalapit kay Jesus noong siya ay palabas ng sinagoga. Nangibabaw ang boses ni Jairo. Nagmakaawa siya kay Jesus na iligtas ang 12-anyos na anak na babaeng may sakit. May isang lalaki ang patakbong lumapit kay Jairo. Sinabi niya kay Jairo na huwag abalahin ang guro, namatay na ang kaniyang anak. Humarap si Jesus kay Jairo at sinabihan na “Huwag kang matakot. Manalig ka lamang at siya'y gagaling.” Kasama ang mga disipulo, binisita ni Jesus ang pamilya. Ang mga kapitbahay ay nananaghoy sa pagkamatay ng anak ni Jairo. Saglit na tiningnan ni Jesus ang batang nakahiga na wala nang buhay. Tumingin si Jesus sa ina at upang palakasin ang kanyang loob, sinabi niya na ang bata ay hindi patay, ngunit ito ay talagang natutulog lamang. Umupo si Jesus at tumingin sa batang babae saglit, pagkatapos ay sinabihan siyang bumangon. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/

Mga kaugnay na tanong

Mga Quote sa Bibliya

Bible Citation
Luke 8:40-42Magbasa pa...
Bible Citation
Luke 8:49-56Magbasa pa...
Bible Citation
Libreng Mapagkukunan

Gusto mo bang lumalim ang iyong pag-unawa sa Bibliya?