JesusFilm Project

Yugto

StoryClubs: Miraculous Catch of Fish

Pagkatapos mangaral ni Jesus na nakasakay sa bangka ng mga mangingisda, inutusan niya si Simon, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sumagot si Simon, “Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.” Kasama ni Jesus ang mga mangingisda. Naghintay ng maraming isdang mahuhuli. Ganoon nga ang ginawa nila, at nakahuli sila ng maraming isda, kaya't halos mapunit ang kanilang mga lambat. Lubos silang nagalak at nagpatulong pa sila sa ibang mangingisda upang iangat ang mga nahuli. Nang mapuno ng isda ang dalawang bangka na halos lumubog, napagtanto ni Simon ang kanyang pagiging makasalanan. sa harap ng banal na Panginoon, "Lumayo ka sa akin, Panginoon. Ako ay isang makasalanang tao." Sinabi sa kanya ni Jesus na huwag siyang matakot. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/

Mga kaugnay na tanong

Mga Quote sa Bibliya

Bible Citation
Luke 5:1-11Magbasa pa...
Bible Citation
Libreng Mapagkukunan

Gusto mo bang lumalim ang iyong pag-unawa sa Bibliya?