Magsisimula na ang Paskuwa (Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa). Pinauna ni Jesus sina Pedro at Juan upang ihanda ang hapunan ng Paskuwa. Umupo si Jesus kasama nila at tinitingnan silang lahat. Sinabi Niya sa kanila kung gaano Siya kasaya na makisalo sa pagkain bago Siya magdusa. Kinuha ni Jesus ang kanyang kopa at nanalangin sa Diyos. Nagpapasalamat Siya sa Diyos sa pagpapala ng bunga ng baging na ibinubunga ng Diyos. Ipinasa niya ito sa pinakamalapit na alagad at sinabihan silang lahat na inumin ito. Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Gayundin naman, dinampot niya ang kopa pagkatapos maghapunan at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo. Para madownload and buong aralin, pumunta sa: http://katw-kidstory.com/download/english-kidstory-jesus-film-lessons/